No'ng bata pa ko, naka-negative ten out of ten ako sa right minus wrong na quiz. Sabi ng Nanay ko, "Okay lang 'yan. Humanda sila balang araw. Daig ng masipag ang matalino." No'ng lumaki-laki na ako, napatawag ng principal ang tatay ko. Nagcutting ako at nahuli sa CCTV camera - tournament kasi ng LoL. Nanalo ako ng 500. Nang inabot ko ang 200 kay tatay, giit nya, "Okay lang 'yan, 'nak. Humanda sila balang araw. Daig ng masikap ang masipag." No'ng pagraduate na ako ng high school at nauubos pera ko dahil vovo ang kakampi ko sa pustahan, sumabad na ang tito ko. "Hudas kang bata ka, ayusin mo nga ang sarili mo! Ano bang plano mo ha?!" Napaisip ako no'n. Ano nga ba ang plano ko? Pagharap ko ng salamin, napamura na lang ako. Putangina, ang gwapo ko nga pala. Pasagutin ko na lang kaya si De Luna?
4 parts